Mga Kabombo! Hanggang sa ngayon ba ay naniniwala ka kay Santa Claus?
Ang North American Aerospace Defense Command o NORAD ay patuloy ang paghahanap kay Santa Claus lalo na ngayon sa nalalapit na Christmas Eve.
Bakit nga ba? Ito ay dahil sa taon-taon ay nakakatanggap sila ng hindi bababa sa 100,000 tawag mula sa mga bata at hinahanap si Santa.
Anila, inaasahan naman nilang lilipad si Santa sa bisperas ng kapaskuhan at kanila umanong ita-track ito.
Ang kilos na ito ng ahensya ay suportado ng mha lokal at corporate sponsors.
Subalit, pano nga ba ito nagsimula? nag-ugat ito noong 1955 sa isang advertisement sa isang dyaryo na hinihikayat ang mga banta na tawagan si Santa sa kanilang ibinigay na numero ay aksidenteng natawagan ng isang banta ang Continental Air Defense Command na NORAD na ngayon.
Sinagot ito ni Air Force Col. Harry W. Shoup dahil ang tinawagang numero ay isa palang emergency-only “red phone”.
Nang sagutin ito, na-realize umano ng bata na hindi siya si Santa, subalit, sinagot niya muli ito at nagpanggap bilang si Santa at tinanong ang bata kung naging mabuting bata ba ito.
Nagawa naman makausap ni Shoup ang ina ng bata at kanilang napag-alaman na ang advertisement ay aksidenteng naimprente ang isang top-secret number. At dahil dito, patuloy na sila nakatanggap ng tawag mula sa mga bata.