DAGUPAN CITY- Tuloy tuloy ang ginagawang monitoring at pag-antabay ng Bolinao Municipal Police Station sa kanilang nasasakupan ngayong holiday season.
Ayon kay PMSg Gene Sanchez Jr, investigator ng Bolinao MPS, na kanilang tinitiyak ang seguridad at kaligtasan ng bawat residente at lalong Lalo na ang mga bumibisita sa kanilang bayan ngayong holiday season.
Anya na sa ngayon ay pauti unti na rin ang mga nagtutungo sa mga pook pasyalan tulad na lamang sa mga baybayin at maging sa mga simbahan kasabay ng pagsisimula ng Simbang gabi ngayon.
Dagdag pa nito na sa ngayon ay wala pang nahuhuli na mga indibiwal ang nagpapaputok dahil mahigpit nila itong binabantayan at pinapaalalahahan ang publiko para makaiwas sa mga insidente tulad na lamang ng sunog o di kaya ang maputukan.
Nananwagan naman ito sa kanilang nasasakupan na mag doble ingat ngayong holiday season sa mga aalis ng kanilang mga kabahayan.