Muling ibinalik ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Science and Technology (DOST) ang Artisanal salt sa Pangasinan sa ilalim ng kanilang inilunsad na programa.
Ayon kay Janice Baysa, mula sa President Ramon Magsaysay University, mayroon nang pagawaan ng authentic artisan salt sa Rehiyon Uno, partikular na sa mga probinsya ng locos Norte, Ilocos Sur, at Pangasinan, partikular na sa bayan ng Bolinao.
Kung saan ay pinili ang bayan ng Bolinao dahil dito nakitaan ng asin sugpo o mas kilala sa tawag na mud salt.
Inaasahan naman ang produksyon nito na magiging fermented shrimp sa lalawigan. At sa katunayan, ang lugar na ito ay nasa 150 taon na kung kaya’t sinusubukan muli itong buhayin.
Nauna nang nilinaw ni Baysa na hindi dahil itinuturing na dying industry ang paggagawa ng asin, ay tuluyan nang nawawala ang produksyon dito. Ngunit nangangahulugan lamang ito aniya na ang mga salt farmers sa kasalukuyan ay may mga edad na kaya naman patuloy na binubuhay ang industriya.
Sa ilalim naman ng programa ng BFAR at ng DOST, layunin nitong sanayin ang mga kabataan sa paggawa o produksyon ng asin. Kabilang na dito ang pamimigay ng Scholarship para sa mga nag-aaral pa.