DAGUPAN CITY- Nasagip ng National Bureau of Investigation o NBI Alaminos City District Office ang nasa 10 kababaihan na nag-aalok ng aliw sa lungsod ng Alaminos na biktima ng human trafficking habang 7 sa mga ito ay pawang menor de edad.

Tinatayang nasa edad 14 hanggang 15 ang mga menor de edad ang mga sangkot para sa halagang P1500-P1700 sa kanilang mga customer.

Ayon kay Atty. Fabienne Matib, Agent-in-Charge ng nasabing opisina, na nakatanggap umano sila ng sumbong noong December 4 na may kahinahinalang kalakaran ng pag-aalok ng sex service sa isang videoke bar sa Barangay Amandiego sa nasabing lungsod.

--Ads--

Aniya na matapos matanggap ang sumbong ay nagsagawa sila ng 3 beses na surveillance sa lugar hanggang ito ay napatunayan kaya nagkasa sila ng operasyon noong December 12 kasama ang Destiny Rescue Pilipinas Inc. na grupo ng Non Government Organization at Pangasinan Social Welfare and Development Office o PSWDO.

Dahil dito, naaresto ang 5 indibidwal kabilang na ang mag-asawang may-ari ng Videoke bar, 1 cashier at 2 waiter.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9208 as amended by RA 10364 o Human Trafficking na pasok sa Sexual and Labor Exploitation at RA 7610 o Child Abuse.

Samantala, nasa kustodiya na ng social welfare ang mga biktima upang sumailalim sa Psychological at Social intervention habang ang mga suspek ay kasalukuyang nakadetine sa kanilang opisina kung saan inaantay pa ang commitment order at bail bond mula sa korte.