Dagupan City – Itinaas na sa red alert ang mga preparasyon ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection ng syudad ng Dagupan.

Ayon kay SPO3 Amante Batallao – Deputy City Fire Marshall, nakahanda na ang mga personnel at fire equipment ng kanilang hanay at patuloy na rin ang kanilang pag-iikot sa OPLAN Paalala kasabay ng kanilang monitoring sa bawat brgy.

Katuwang ng ahensya ang Department of Health, R1 Medical Center, Phil. Red Cross, at ilan pang mga volunteers.

--Ads--

Base sa kanilang obserbasyon, wala pa namang nagbebenta ng mga paputok sa ngayon, ngunit patuloy pa rin ang kanilang pagpapaalala na huwag ibenta o tangkilikin ang mga ipinagbabawal na paputok.

May mga listahan na rin ang mga ito ng mga pwedeng gamitin o ibentang paputok.

At ang mga requirements na kinakailangan gaya na lamang ng clearance mula sa PNP, business permit sa para sa kanilang business site mula sa LGU, at mag-secure na muna sila ng fire safety inspection certificate mula naman sa BFP.

Sa oras na makumpleto na ang lahat ng ito, ay may mga ipupwesto na ring itatalagang magbabantay sa lugar na pagbebentahan ng mga paputok, at magsasagawa naman ang BFP ng ocular inspection.