Pinasalamatan ng alkalde ng bayan ng Laoac ang mga mamamayan nito sa pagiging 2nd class municipality na mula sa pagiging 4th class municipality sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Mayor Ricardo Dispo Balderas, lubos ang kanyang pasasalamat sa mga kababayan nito na nagbabayad ng buwis dahilan para tumaas ang kanilang annual income.

Espesyal din nitong pinasalamatan ang mga tobacco farmers na malaki ang naimbag sa kaban ng bayan.

--Ads--

Aniya, nakamit ang pagiging 2nd class municipality dahil sa pagpapalabas sa mga personnel ng treasury, engineering at assessors office upang tumaas ang koleksyon ng buwis.

Hindi naman aniya nila pinipilit ang mga taxpayers na bayaran ang kanilang buwis kundi ang kaya nilang bayaran o kahit na partial payment ay kanilang tatanggapin.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Balderas ang pagkakaroon na ng bangko na siyang nagpapahiwatig ng pag unlad ng kanilang bayan.

Hinikayat na rin nito ang mga negosyante na maaari na rin silang magdeposit ng kanilang pera at hindi na kailangang pumunta sa karatig bayan at syudad.