Mga kabombo! Nakakita na ba ng sasakyang ginawa ng bahay? Usong-uso kasi ngayon ang mga small spaces— gaya ng container vans, bodega, at mga sasakyan—na ginagawang bahay.
Eh paano naman ang tren? Tila ba one of a kind kasi ang isang bahay sa Deary, Idaho, USA.
Paano ba naman kasi, ang dating abandonadong 100-year-old train car o bansag nila, tila ba’y nabubulok na train car, ay nag-transform sa isang old-style unique house.
Kung saan, nakagastos sila ng ay tumataginting na $150,000 o katumbas ng P8.8 million. Ayon sa ulat, ang bahay na ito ay pinaparentahan ngayon ng owners sa Airbnb.
Ang dating passenger area ng train car ay ginawa nilang sitting area at kadikit nito ang kusina. Habang nanatiling orihinal pa rin ang mga salamin ng mga bintana at ang mga cabins sa taas sa bandang ceiling. Ang dating passenger room ay ginawang sitting area, at ang kalahating parte nito ay kusina. Antique din ang mga inilagay na furniture at mga gamit sa kusina dahil mahilig sa antigong kagamitan ang kanilang ina. Agaw-pansin din ang gas pot na old style.
Ang dating cargo area ay ginawang extra space para sa mga gamit. Dito rin nakapuwesto ang walk-in bathroom. Kadikit naman ng extra space ay ang bedroom na may king-size bed, dagdag pa ang maraming bintana sa bedroom, kaya pagkagising ay tanaw agad ang napakagandang countryside.
Samantala, ang stay per night naman nito ay umaabot ng $325 o katumbas ng P19,000 hanggang $350 o P20,000.
Ang revenue nila noong 2023 ay umabot sa P5.2 million at inaasahan nilang aabot sa P6 million ngayong 2024.