Sinusuportahan ng National Union of Peoples’ Lawyers ang apela ng pamilya ni Filipino death row convict na si Mary Jane Veloso na magawaran na ito ng clemency kasabay ng pag-uwi nito sa bansa bukas, Disyembre 18.
Kung saan ay nakatakdang idiretso ito sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City .
Ayon kay Josalee Deinla Secretary General, National Union of Peoples’ Lawyers ( NUPL ) si Veloso ay biktima lamang at naloko ng kaniyang recruiter kaya’t panahon na para siya ay makalaya at makapiling ang kaniyang mga anak at pamilya lalo na ngayong darating na pasko.
Bagama’t ay nasa desisyon ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpardon kay Mary Jane sakaling maipasa na bukas ang kustodiya nito sa bansa.
Aniya na ang bilateral agreement ng Pilipinas at Indonesia, ay nagsasabing ang kapangyarihan at kapasiyahan ay na kay Pangulong Marcos Jr. na kaya’t ang clemency ay maaaring gawin ng gobyerno ng bansa.
Saad pa ni Deinla na napakatagal ng panahon na ito ay nagdusa sa Indonesia kaya’t patuloy naman ang kanilang pag-apela at suporta sa pamilya ni Mary Jane hanggang sa tuluyan na itong mapalaya sa pamamagitan ng pag-pardon.