Nagsagawa ng joint inspection ang Office of the Special Economic Enterprise, Public Safety Office, at Business Processing and Licensing Office sa bayan ng Bayambang.

Dito ay kanilang tinutukan ang pagsusuri sa mga stalls sa pamilihan o Public Market sa nasabing bayan kung mayroon nga ba silang mga nakakabit na mga CCTV cameras.

Ang pagsunod sa patakarang ito ay nasa ilalim ng Municipal Ordinance No. 6 s. 2024.

--Ads--

Layunin ng ordinansang ito na tiyakin ang seguridad ng kanilang bayan, ganun na rin ang kaayusan partikular na sa kanilang palengke.

Malaking tulong din ito para sa kanilang crime deterrence at close monitoring.

Magsisilbing proteksyon at sistema ito sa pagmamanman upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat lugar.

Sa pamamagitan ng mga nakakabit na CCTV, makakatulong ito sa pag-iwas sa mga insidente ng pagnanakaw, pandaraya, at iba pang krimen dahil ang mga magnanakaw at masasamang loob ay posibleng umiwas kapag nakikita nilang may CCTV.

Kung may aksidente o sakuna, mabilis itong maaaksyunan dahil nakikita ng mga awtoridad ang mga tao sa paligid.