DAGUPAN CITY- Nakapagtala ng hindi bababa sa 5 sugatan at pinsala sa mga kabahayan ang iniwan ng isang “rare” na buhawi na tumama sa Sta. Cruz County, California, sa Estados Unidos kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba Jr., Bombo International News Corresponden sa nasabing bansa, nagkaroon ng malawak na pagkawala ng kuryente dahil sa mga nasirang poste at kable ng kuryente.

Aniya, 2005 pa ang huling pananalasa ng isang buhawi sa nasabing bansa at kamakailan lamang nang manalanta ang isang rare na buhawi na tumagal ng 5 minuto at may bilis ng hangin na umaabit sa 144 km/h.

--Ads--

At sa kasalukuyan, nagiging maayos na ang kalagayan ng Sta. Cruz county at nililinis na ang mga naiwang pinsala. Subalit, kanselado pa rin ang pasok sa mga paaralan at trabaho.

Dagdag pa ni Madamba, tanging isang linggong tuloy-tuloy na pag-ulan ang kanilang nararasan ngayon sa kanilang lugar na nagdudulot naman ng matinding taglamig.

Sa kabilang dako, apektado naman ang milyon-milyon katao ang naapektuhan sa matinding taglamig o ang pagbagyo ng nyebe sa Iowa, Nebraska, at New York.

Ayon kay Madamba, nakapagtala ng 1 nasawi dahil sa lagay ng panahon.