Mga kabombo! Mahilig ka bang uminom ng tubig?
Paano kung malaman mong may tubig pa lang nagkakakahalaga ng aabot sa kalahating milyon kada bote?
Ito kasi ang presyuhan ng isang limitadong produksyon ng tubig sa Japan! Kung saan, ayon sa ulat, ang tubig na ginagamit dito ay nagmumula pa sa Nunobiki Spring sa Rokkou National Park sa Kobe, isang lugar na malayo sa anumang polusyon.
Dahil dito, pinuri rin ang kalidad ng tubig dahil sa natural na pag-filter ng volcanic rock, na nagbibigay ng sariwa at purong lasa. Sa kabila nito, hindi lang ang tubig mismo ang nagpapataas ng halaga ng produkto.
Kundi, ang pangunahing dahilan ng mahal na presyo nito ay ang disenyo ng bote. Ang bawat bote ng tubig ay naka-dinisenyo bilang isang work of art. May mga dekorasyon itong Swarovski crystals, at ginto.
Dagdag pa ang limitadong produksyon nito sa 5,000 bote bawat buwan upang mapanatili ang pagiging exclusive.
Mula nang ilunsad noong 2005, nagtagumpay ang kumpaniya na maipakilala ang kanilang produkto bilang simbolo ng karangyaan. Naging paborito ito ng mga kilalang personalidad, maharlikang pamilya, at iba pang mayayaman sa mundo.