Ikinatuwa ng Federation of Free Farmers ang paglikha ng mega task force na hahabol sa mga nagmamanipula sa presyo ng bilihin sa bansa na isinusulong ng liderato ng Kamara.

Ayon kay Leonardo Montemayor Chairman ng nasabing grupo isang napakagandang inisyatiba ito at batay sa mga isinasagawang pagdinig ay malinaw na mayroon talagang nangyayaring sabwatan at price manipulation.

Kaya’t aniya ay panahon na para ipatupad ng husto ang mga bagong batas lalo na ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

--Ads--

Maliban dito ay dapat ding masampahan ng kaso ang mga mapapatunayang lumabag dito.

Samantala, dahil taon-taon ay lumalaki ang bilang ng importasyon sa bansa aniya ay posibleng hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno para palakasin ang lokal na produksiyon ng bigas sa bansa.

Gayundin ang kakulangan ng lokal na pagkain kaya’t dapat ay magkaroon tayo ng food security at affordable prices ng mga bilihin.