DAGUPAN CITY- Extrajudicial partition estate.
Ito ang maaaring prosesong pagdaanan ng magkapatid na paghahatian ang iniwang lupain ng kanilang magulang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Charisse Victorio, isa itong prosesong legal para mapaghatian ng mga tagapagmana ang mga iniwang lupain ng namayapang tao nang hindi kinakailangang ilapit sa korte.
Bagaman wala naman alitan sa pagitan ng mga tagapagmana, hindi na ito kinakailangan ilapit pa sa tulong ng korte.
Aniya, upang malaman naman ang halagang magagastos ay kinakailangan ang tulong mula sa geodetic engineer, lalo na kung gusto talagang mailipat sa kanilang pangalan ang lupain.
Kailangan lang din ihanda ang mga dokumento na death certificate ng namayapang magpapamana, birth certificate ng magkapatid na tagapagmana, Certificate of Marriage naman kung may asawa, valid government I.D, Affidavit, at deed of Extrajudicial partition estate ng magpapamana.
Samantala, kung may iba pang naiwan na ari-arian ppartikular na ang sasakyan na nakapangalan sa kamag anak, maipapasama rin ito sa extrajudicial partition estate at kailangan lamang mapatunayan pagmamay-ari ito ng kanilang magulang.
At kung nagkakaproblema sa paghahatian nito, kailangan ipakita ng kamag-anak ang deed nito upang mapatunayan na sakaniya ito at buong nabayaran sa ina ng magkapatid
Kung wala naman maipakitang kasulatan na magpapatunay, maaari itong idaan sa legal na proseso para makasuhan ng anti-carnapping ang kamag-anak na inaangkin ang sasakyan.