Madali lamang remedyuhan ang pagkain na dapat iwasan lalo na at nalalapit na ang kapskuhan at bagong taon.
Ayon kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate hindi maiiwasan ang tema ng pagkain sa mga ganitong selebrasyon kaya’t dapat ay magkaroon ng plano sa mga kakainin sa pang-araw-araw.
Aniya ay dapat ay mayroong kontrol o mayroong moderation sa pagkain.
Iwasan ang mga matataas sa sugar gaya ng mga matatamis na pagkain dahil tatamaan nito ang puso at atay ng isang tao.
Bukod dito ay iwasan din ang mga maaalat, high fat at mga alcoholic na inumin.
Samantala, ang diabetes parin ang nangungunang sakit sa bansa at aniya ito ang “mother of all diseases”.
Paalala nito sa lahat na kung may iniinom man na maintenance medication ay inumin ito batay sa payo ng doktor upang mamentina ang tamang lebel ng dugo.
Mainam din na sundin ang mga alternative ways pagdating sa mga gagawin o mga kakainin.