DAGUPAN CITY- Halos wala rin pinagkaiba ang selebrasyon ng kapaskuhan sa bansang Switzerland sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Analyn Gregory, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, hindi rin aniya nawawala ang simbang gabi sa nasabing bansa.

Aniya, hindi rin nawawala ang ibang pagkakaiba dahil sa relihiyon doon.

--Ads--

Samantala, ibinahagi niya na kaniyang inakalang magiging mag-isa siya sa pagselebra ng kapaskuhan dahil baguhan pa lamang siya doon. Subalit, nakilala niya ang mga kapwa Pilipino at kanilang sama-samang ipagdidiwang ang pasko.

Gayunpaman, hindi maitanggi ni Gregory na labis siyang nalulumbay sa kaniyang mga anak lalo na ngayon pasko.

Aniya na noong nandito pa siya bansa ay kasama niya ang mga ito na dumadalo sa pagsisimba.

At dagdag pa niya, sa pamamagitan ng video call na lamang ang kaniyang paraan upang kahit papaano ay makasama ang kaniyang pamilya sa nalalapit na kapaskuhan.