Handa na ang baking industry na harapin ang kapaskuhan o ang holiday season.
Ayon kay Chito Chavez – President, Asosasyon ng Panaderong Pilipino gaganda ang volume ng mga tinapay na ibebenta sa merkado dahil narin sa pagtaas ng demand.
Aniya noong nakaraang taon kapag panahon na ng Disyembre ay wala ng paggalaw sa presyo ng mga produktong tinapay kaya’t hindi na maganda sa pananaw ng mga mamimili sa panahon ng kapaskuhan kung magtataas ng presyo ng mga produktong tinapay.
Dapat ay sundin ang kahilingan ng Department of Trade and Industry na huwag ng magtaas ng presyo dahil narin sa sunod-sunod na bagyo na tumama sa bansa.
Umaasa naman ito na tutulungan at susuportahan ng pamahalaan ang mga panaderong naaapektuhan ng nagdaang bagyo upang hindi maiwan sa bentahan.
Gayundin, upang mapagtibay ang paggawa ng magagandang tinapay.
Bukod dito ay umaasa din ito na magiging maunlad ang industriya at tangkilikin ang local industry.