Naaresto ang isang drug pusher at makumpiska ang halos kalahating milyong pisong halaga ng shabu at isang Cal. 38 revolver kamakailan, sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City. Ang operasyon ay isinagawa ng Dagupan City Police Station sa katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1.

Ang suspek ay kinilalang alyas “Jayvee,” residente ng Barangay Caranglaan, sa nasabing siyudad. Siya ay naaresto matapos ang ilang linggong masusing surveillance at pagkolekta ng impormasyon na nagpapatunay ng kanyang pagkakasangkot sa mga ilegal na droga.

Sa operasyon, nakuha mula sa suspek ang 70 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php 470,000.00, nakabalot sa pitong pirasong heat-sealed na plastik.

--Ads--

Kasama rin sa nasamsam ang isang Cal. 38 revolver, isang motorsiklo, sling bag, mga marked money at boodle money.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Dagupan City Police Station ang suspek at ang mga nasamsam na gamit nito, at isinasagawa ang tamang disposisyon maging ang pag-file ng mga kasong paglabag sa Section 5 ng Art II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).