DAGUPAN CITY– Mayaman sa mga kultural na pagkain ang bansang Denmark na siyang nakasanayan ng mga mamamayan sa nasabing bansa upang ipagdiwang ang kapaskuhan.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ludwig Eric Aguilar, Bombo International Correspondent sa bansang Denmark, mayroong tinatawag na Chrirstmas beer sa nasabing bansa kung saan ito ang nagiging senyales na magsisimula na ng christmas season.

Sikat umano ang bansang Denmark sa beer kaya’t tuwing Nobyermbre ay nagbibigay ang tao roon ng beer sa ilang mga malalaking siyudad sa nasabing bansa.

--Ads--

Mayroon din silang inihahang pagkain na may pagkakahalintulad sa cripsy liempo ng Pilipinas.

Isa ring tradisyon sa Denmark ay ang paghahanda ng duck dishes at isang dessert na kung tawagin ay Risalamande o Danish rice pudding upang ipagdiwang ang pasko.

Naging kaugalian din ang potluck upang makapagbahagi ng mga masasarap na pagkain sa isa’t-isa.