DAGUPAN CITY- Kaliwa’t kanan ang mga ginagawang kalsada at elevation of road dito sa lungsod ng Dagupan na nagsasanhi ng pagbigat ng daloy ng Trapiko.
Kabilang sa mga ginagawang kalsada ay ang parte ng Burgos Extension sa Barangay Tapuac, Perez Boulevard hanggang sa Magsaysay Bridge at ang welcome Rotonda malapit sa terminal ng bus sa barangay Herrero Perez.
Ayon kay Rexon De Vera, Deputy Chief ng Public Order and Safety Office ng Dagupan City, na isa ang welcome rotonda sa mga kalsada na nagsasanhi ng mabigat na daloy ng trapiko.
Aniya na inaasahan na bago magpasko ay matatapos na ang konstruksyon dito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil dalawang linya na lamang ang ginagawa kung saan magbubukas na ito ng maayos na daloy ng mga sasakyan na dadaan patungo MH. Del pilar.
Panawagan nito sa mga motorista na kailangan ng kaunting pasensya dahil malapit na matapos ito sapagkat para naman sa kapakanan ng bawat isa.
Sa kabilang banda, bibigyan aniya nila ng prayoridad ang pagtutok sa mga sasakyang mag-dodouble parking lalo na sa mga palengke at main road dahil sa pagdami ng mga mamimili ngayong holiday season.
Hihigpitan anila ang pagsita sa mga ito upang hindi maging problema sa ibang motorista na dumadaan sa mga kalsada.