DAGUPAN CITY- Kailanman ay hindi na bumababa ang presyo ng bigas sa bansa kahit pa bahain ng importasyon ng bigas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Argel Cabatbat, chairman ng Magsasaka Partylist, bagaman simula 2018 pa nila isinisigaw ang hindi pagbaba ng bigas, ikinatuwa naman niya ang kagustuhan ng Quinta Committee sa pag-iimbestiga nito.
Giit niya na hindi naman kumikita ang mga magsasaka sa pagbaha ng importasyon sa bansa at nagdudulot lamang sa mababang pondong nakukuha dahil sa pinababang tarrif rate.
Kaya hindi dapat ito natatapos lamang sa imbestigasyon at kinakailangang may mapanagot.
Dapat maimbestigahan ang mga importers at ang listahan ng Department of Agriculture (DA) na mga cartel.
Kaya para kay Cabatbat na tama ang naging aksyon ng Quinta Committee dahil napag-uusapan na ang hindi magandang epekto ng Executive Order no. 62 lalo na sa mga magsasaka.
Saad niya, ang nasabing kautusan ay hindi nagdulot ng kapakinabangan sa mga consumers at nagpahirap lamang sa mga magsasaka.
At ang tanging nakikinabang lamang ang mga ‘di umanoy cartel na nagmamanipula ng mga presyo ng bigas.
Kaugnay nito, naging dekada na ang naging patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa mga produktong pang-agrikultura.
Giit niya, na mas kailangan palakasin ang kapangyarihan ng gobyerno na makontrol ang presyo subalit, binabalewala ito ng rice tarrification law.
Samantala, sinabi ni Cabatbat na kailangan ikonsidera ng komite ang pagkakaroon ng representante ang mga magsasaka upang magkaboses ang kanilang sektor.
Mayroon din kase silang gustong iamyenda sa kamara, gayunpaman, kahit papaano ay nagkakaroon ng progreso.