Hinihikayat ng grupong Ban Toxic ang lahat lalo na ang mga kabataan na gumamit na lamang ng mas ligtas na alternatibong pampaingay sa darating na kapaskuhan at bagong taon.
Ayon kay Tony Dizon Campaigner, Ban Toxic mas maaga pa lamang bago ang buwan ng Nobyembre ay marami na ang nagbebenta ng mga paputok at karamihan ay mga ilegal.
Bagama’t ay marami ng mga LGUs ang mayroon ng partial at totally banned pagdating sa paputok aniya ay hindi parin ito sapat upang mapigilan ang pagbebenta at paglaganap ng paputok.
Pagbabahagi nito na dapat ay maging mas strikto ang batas na mayroon tayo at ang agarang pagsasagawa ng panawagan ukol dito.
Umaasa ito lalo na DOH, PNP at iba pang regulatory agencies ng taunang iwas paputok ngunit hanggang ngayon ay wala pa.
Matatandaan na malaki ang naitalang porsyento ng naputukan noong nakaraang taon batay sa talaan ng Department of Health.
Kaya’t panawagan nito hangga’t maaari ay gumamit na lamang ng safer alternative at huwag ng hintayin na may mapeligro pa o maputukan bago gumawa ng kaukulang aksiyon.