DAGUPAN CITY- Umabot sa 1,848 mag-aaral sa San Nicolas ang nakinabang sa pinalawig na programang Tulong Pang-Edukasyon ng lokal na pamahalaan.

Naglalayon ang programa na suportahan ang edukasyon ng mga kabataan na nagbigay ng pag-asa at tulong pinansiyal sa mga estudyante.

Malaki ang pasasalamat ng pamahalaang lokal kay Cong. Marlyn Primicias-Agabas sa kanyang suporta sa adhikain na mapabuti ang kinabukasan ng mga kabataan sa bayan.

--Ads--

Dahil dito, naging masaya ang mga magulang, tagapangalaga, at guro sa pagtanggap ng tulong kung saan makikita sa kanilang mga mukha ang pag-asa at pasasalamat para sa programang ito.

Patunay ito ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng edukasyon sa kanilang bayan.