Nagsagawa ang Ilocos Region Media Orientation on OPAPRU’s Local Peace Engagement Transformation Program sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Pinangunahan ito ng Philippine Information Agency Region 1 (PIA-1) sa pangunguna ni Regional Head Jennilyne C. Role, katuwang ang Presidential Communications Office (PCO) at ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU).

Dinaluhan ng iba’t ibang pampubliko at pribadong media outlets mula sa Pangasinan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, at La Union ang nasabing oryentasyon, kasama na ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo Bataoil.

--Ads--

Kabilang sa mga panauhin sina Adonis Bringas, Project Development Officer V, AMU- Northern Luzon Manager at Elmer Jude F. Mesina, Deputy Director-General for Knowledge Management and Strategic Communications, PIA.

Layunin ng oryentasyon na mapahusay ang mga estratehiya sa komunikasyon na susuporta sa mga lokal na proseso ng kapayapaan simula sa antas ng komunidad.

Nilalayon din nitong palakasin ang panlipunang pagkakaisa at pagiging matatag laban sa hidwaan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang network ng media na nakatuon sa pagtataguyod ng mga lokal na inisyatiba sa kapayapaan.

Habang naglalayon din itong palakasin ang kakayahan ng mga propesyonal sa media sa pag-uulat at paglikha ng mga sensitibong salaysayin sa hidwaan, at labanan ang maling impormasyon.

Ayon kay Adonis Bringas ang project Development Officer V, AMU- Northern Luzon Manager na ang Local Peace Engagement Transformation Program ay programa sa ilalim ng Executive Order no. 70 o Ending Local Communist Arm Conflict.

Aniya na ang kahalagahan nito ay para sa mga LGu dahil sila ang frontliner dito upang makatulong sa komunidad kung saan ang programa din ay tumutukoy sa mga Former rebel na matulungan hindi lang sila kung pati ang kanilang pamilya at komunidad.

Samantala, ang OPAPRU, PCO, at PIA ay nagtutulungan upang makamit ang mga layuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga media orientation at forum na magbibigay-daan sa mahahalagang talakayan tungkol sa Local Peace Engagement and Transformation.

Binibigyang-diin ng inisyatiba ang mahalagang papel ng mga komunidad sa pagtatayo ng kapayapaan.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga organisasyon ng media at mga lider ng komunidad, dahil nais nitong makamit ang isang mas mapayapa at matatag na kinabukasan para sa Ilocos Region.

Ang tagumpay ng programa ay nakasalalay sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan at sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon.