Dagupan City – Patuloy na ipinamamahagi ng Commission on Higher Education Region 1 (CHED Region 1) ang financial assistance sa mga iskolar ng mga State Universities and Colleges (SUCs) sa Ilocos Region.
Ayon kay Dr. Christine N. Ferrer, Regional Director ng CHED Region 1 na ginagawa ng kanilang tanggapan ang lahat upang matugunan ang pangangailangan ng mga iskolars.
Sa Pangasinan, nagsasagawa na ng paglilibot ang CHED Region 1 sa iba’t ibang unibersidad upang direktang maipamahagi ang tulong pinansyal sa mga estudyante sa pamamagitan ng pay-out.
Layunin nito na makatulong sa mga estudyante ngayong kapaskuhan.
Siniguro ni Dr. Ferrer na magpapatuloy ang programa hanggang 2025 upang makatulong sa mga estudyante sa kanilang mga pangangailangang pinansiyal.
May iba’t ibang kategorya ang mga scholarship na inaalok ng CHED kabilang ang Smart Scholarship na may batch-based at by semester na scholars habang mayroon ding mga continuing scholars at mga bagong grantees.
Kasabay nito, patuloy din ang pagkuha ng datos ng tanggapan ukol sa kabuuang bilang ng mga iskolar sa buong Ilocos Region.