Bagamat hindi narinig ang kanyang pangalan sa nakaraang PBA Draft, hindi nagpatinag si Jielo Razon at aniya ay pinili niyang magtiwala.

Matapos ang isang kamangha-manghang performance kung saan nakapagtala siya ng 34 puntos sa panalo ng Paranaque laban sa Mindoro, ipinadala ni Razon ang isang mensahe kay agent Danny Espiritu at kay TNT team manager Jojo Lastimosa.

Hindi nagtagal, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-ensayo kasama ang TNT Tropang Giga sa isang training camp sa Cebu para sa ika-49 na season ng PBA.

--Ads--

Habang patuloy na naglalaro para sa Paranaque sa MPBL, nagsilbing practice player muna si Razon para sa Tropang Giga at hindi nagtagal ay pirmahan na niya ang kanyang unang kontrata sa PBA, sa ilalim ng pinakamalaking franchise ng MVP.

Kahapon ay nasaksihan ang pagtatala niya ng 2 puntos, 3 rebounds, 1 assist, at 1 steal, ngunit hindi nakaligtas ang TNT sa pagkatalo, 105-84.