Nagsagawa ng Libreng Eye Check-Up, Cataract at Pterygium Screening, at Operasyon ang lungsod ng Dagupan sa tulong ng mga doktor at espesyalista mula sa Tzu Chi Medical Foundation.

Ang programang ito ay nagbigay ng malaking tulong sa mga residente ng Dagupan upang mapabuti ang kanilang kalusugan sa mata.

Sa kabila ng mga pagsubok, ang programang “Star ng Pasko, Kita ko! Nagbalik Kulay ang Buhay Ko” ay nagbigay pag-asa at saya sa mga pasyenteng nakatanggap ng libreng serbisyo. Ang mga pasyente ay nagtipon at nagpasalamat ng taos-puso sa alkalde ng Dagupan sa City Hall.

--Ads--

Naging emosyonal naman ang alkalde sa naturang programa dahil Ayon kay Mayor Fernandez, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga kasamahan niyang tumutulong sa mga programang tulad nito na may malaking epekto sa pamumuhay ng mga Dagupeños. Binanggit niyang sa kabila ng mga hamon ng pagiging isang alkalde, hindi siya nag-iisa dahil may mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang mga proyekto.

Ipinahayag din ng alkalde na magpapatuloy ang kanilang pagsisikap upang mas mapabuti pa ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan ng Dagupan.

Kung saan binanggit niya rin ang ilan sakanilang proyekto ngayon nalalapit na kapaskuhan tulad ng pagbabahagi ng noche buena sa pamilya sa lungsod ng Dagupan.