Kasalukuyang nagsasagawa ang Provincial Internal Affairs Service ng Pro-Active Inspection sa mga Police Station ng bawat bayan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Plt. Gloria Juguilon ng PNP Provincial Internal Affairs Service, kanilang pinupuntahan ang mga istasyon na may robbery incident.

Lahat ng mga istasyon na may kaso ng pagnanakaw ay isinasailalim sa Pro-Active Inspection o ang pagpapa-alala sa mga gawain ng kapulisan, kung paano nila pagbubutihin o isasagawa ng tama ang kanilang mga trabaho.

--Ads--

Ito ay base sa bagong memo na tuwing may kaso ng pagnanakaw, kanilang tututukan ang regular na aktibidad na Pro-Active Inspection o Inspection on Audit Division na isinasagawa ng Pangasinan Provincial Internal Affairs Office.

Aniya na base naman sakanilang obserbasyon sa mga Police Staions, ginagawa naman ng mga kapulisan ang kanilang mga trabaho lalo na sa pag-iimbestiga ng mga kaso.

Kanilang sinusuri ang mga investigation reports mula sa bawat istasyon hanggang sa makarating ito sa Provincial Police Office.

Dagdag pa niya ang patungkol naman sa bilang ng kapulisan na inaaasahan nila na ang population ratio ay dapat na 1:500 o higit pa, kabilang na ang syudad ng Dagupan.

Samantala, tumatanggap ang kanilang opisina ng mga reklamo at hindi sila mag-aatubiling magsampa ng kaso, at hindi ito mangyayari kung wala silang matatanggap na reklamo.

Hangga’t ang kapulisan ay tumupad sa batas, ginagawa ang nasa batas, at umaaksyon ng naayon sa batas ay wala silang kahaharapin na problema.