BOMBO DAGUPAN – Ibinahagi ng isang Overseas Filipino Worker sa Israel nasa kabila ng mga kaganapan doon ay masayang nakakapagdiwang ng pasko ang mga Pilipino doon.

Ayon kay Shay Kabayan, Bombo international News correspondent sa Israel, na maraming taon nang hindi nakakapagsilibra ng pasko sa Pilipinas, bagamat hindi nagsisilibra ng pasko ang Jewish gayunman ay nirerespeto nila ang kultura ng mga Christians na nasa Israel na nagdiriwang pasko kapag sumasapit ang buwan ng Disyembre.

May mga nagsasabit din ng mga christmas decoration sa ilang lugar partikular sa Jerusalem at Bethlehem kung saan ay matatagpuan ang pinakamalaking christmas tree na dinadayo ng mga turista.

--Ads--

Uso rin sa mga Christians at ibang lahi ang pagbibigay ng regalo.

Kung ano ang tradisyon na ginagawa sa bansa ay ginagawa rin ng mga Pilipino sa Israel. Mayroon din aniyang sayawan, kantahan at bumabaha ng mga pagkain.

Samantala, magkahalong saya at lungkot naman ang nararamdaman ng ibang Pilipino doon lalo na ang mga maraming taon nang hindi nakakauwi sa bansa.

Maging siya ay nakaramdam ng lungkot noon at sobrang na-miss ang pamilya subalit sa tulong ng bagong teknolohiya ay madali nang makipag ugnayan ngayon sa mga pamilya nila nasa bansa.