DAGUPAN CITY- Sagana ang bansang India sa pamamaraan ng pagdiriwang ng kapaskuhan kung saan mayroon silang iba’t-ibang pamamaraan upang ipagdiwang ito.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jaz Ablin, Women Ministry Leader at Bombo International Correspondent sa bansang India, number one na hindi mawawala sa mga Indiano ay ang paghahanda ng Biryani, kung saan naghahanda ang mga ito ng iba’t-ibang specialty bawat states sa nasabing bansa.
Dagdag nito, mahilig ang mga mamamayan ng India sa mga snacks dahil din umano sa pagiging mura ng bilihin sa pagdating sa pagkain at ang pagiging accessible nito sa lahat.
Sumasalamin din umano ito sa pagiging sagana ng nasabing bansa sa mga resources.
Bukod din umano sa mga pagkahilig sa delecacies at pagsasabuhay ng simbang gabi, karaniwang ginagawa sa India ang pagpipicnic sa isang sikat na parke, kung saan isang pinupuntahan ng karamihan ay ang India Gate, isang parke na may doble o tripleng lawak kumpara sa Luneta Park ng Pilipinas.
Pagdating naman sa mga kabataan, may dinarayo ang mga modern at mga malalaking malls sa nasabing bansa upang ipagdiwang ang kapaskuhan.
Samantala, bihira ang mga Christmas Tree sa nasabing bansa dahil sa presyo nito ay itinuturing ito bilang foreign item.
Dagdag nito na ang diwa ng pasko ay hindi lang tungkol sa salu-salo, kundi paraan din upang pagkaisahin ang mga tao at magtulungan.