DAGUPAN CITY- Nagpapatuloy ang mga programa at proyekto na isinasagawa at isinusulong ng Pangasinan Police Maritime (MARPSTA) sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PCMS Angelito R Soriano, Station Executive Senior Police Officer (SESPO) ng nasabing tanggapan, mahigpit ang kanilang mga ipinapatupad na checkpoint sa bawat pangunahing kakalsadahan katuwang ang iba pang mga ahensya sa pagpapatupad ng seguridad at kaligtasan ng publiko.
Kabilang na rin dito ang paghahanda para sa Local at National Election sa susunod na taon, paghuhuli ng mga illegal activities at iba sa mga nasasakupang karagatan ng probinsya.
Anya sa pamamgitan ng pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ay natutulungan ang mga ito upang mabigyan ng sapat na impormasyon para sa pagkakaroon ng maayos na kumunidad.
Isa rin sa kanilang tinututukan ngayon ang kampanya kontra iligal na droga na kung saan ang kanilang pokus ay ang mga nakikita sa baybayin kaya naman tuloy tuloy ang kanilang pagpapatrolya at pagmomonitor sa probinsya.