Dagupan City – Tinututukan ng Cooperative Development Authority ang programa ngayong taon kung saan ay kinakailangan ng mga kooperatiba ng mga magsasaka na mag-consolidate.
Ayon kay Edilberto Unson, Assistant Regional Director / Supervising Cooperative Development Specialist, naaangkop ang kanilang programa sa Department of Agriculture dahil nagkakaroon din sila dito ng insentibo.
Nasa kalahating milyon naman ang maaari nilang makuha, kung saan ay aabot ito sa limang P750,000, at aabot naman ng P1M ang posibleng insentibo kung mula anim pataas na kooperatiba ang mapapabilang.
Maaari nila itong gamitin para sa operasyon ng kanilang kooperatiba. Payo ni Unson nararapat na magkaroon ng pagtitipon ang bawat kooperatiba upang masiguro na pumapayag silang makipag-merge.
Nilinaw niya na kung sino ang may mas malakas na kooperatiba sila ang surviving cooperative. Kung san kapag napagdesisyunan nila itong pagsamahin, ang mabubuo ay siya namang panibagong kooperatiba.
Sa ngayon ay mayroon ng tatlong kooperatiba sa mga magsasaka na nag-merge. (Nerissa Ventura)