Maghahain din ng impeachment complaint ang Act Teachers Partylist upang panagutin si Vice President Sara Duterte sa kaniyang mga nagawang grave offenses sa bansa.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay France Castro, and House Deputy Minority Leader ng Act Teachers Partylist, inindorso na ng Akbayan Partylist ang unang complaint ng iba’t-ibang cost-oriented organizations at balak din umanong mag-file ng nasabing grupo anomang araw ngayong linggo.
Aniya, isa sa mga grounds na ihahain ng grupo ay ang betrayal of public trust, violation of Philippine Constitution at high crime tulad ng grave threat at iba pang mga maaaring ihain laban sa bise.
Nakaraang taon pa lamang umano ay may nakita nang violation ang representante laban sa bise, at sa ngayon ay nadagdagan pa dulot ng mga naglilipanang isyu.
Malakas din umano ang clamor ng mga kababayan Pilipino tungkol sa paghahain ng nasabing mga reklamo kung saan itinuturing ito ng grupo bilang mahalagang bagay at hindi lamang pagsayang ng oras at lakas.
Sinabi din ng grupo na hindi na matatakasan pa ng bise ang mga ginawa umano nitong krimen sa mga mamamayan ng Pilipinas.