Isang matagumpay na Training on Cattle Production and Management ang naisagawa kamakailan sa bayan ng Tayug.

Nagsama-sama ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, mga eksperto sa agrikultura, at ang mga magsasaka mismo sa nasabing programa.

Nagbigay naman ng suporta ang Provincial Veterinary Office at Municipal Agriculture Office.

--Ads--

Layunin ng nasabing pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga lokal na magsasaka sa pag-aalaga ng kanilang mga baka, tungo sa mas mataas na kita.

Ang pagsasanay ay tumalakay sa mahahalagang aspeto ng pag-aalaga ng baka, kabilang na ang wastong pagpapakain, pangangalaga sa kalusugan ng hayop, at mga modernong pamamaraan sa pagpaparami nito.

Layunin nitong mapabuti ang produksyon ng gatas at karne, na siyang pangunahing pinagkukunan ng kita ng maraming magsasaka.