Palutang-lutang na ang katawan ng isang 36-anyos na lalaki na residente ng Brgy. Lasip Chico nang matagpuan ito sa Sinucalan River sa nasabing brgy.

Ayon kay Pltcol. Brendon Palisoc – COP, Dagupan City PNP, base sa imbestigasyon at sa salaysay ng kanyang kapatid, naka-inom ang biktima nang nakita niya ito na nakatulog sa duyan na nakapwesto sa tabi ng nasabing ilog.

Makalipas lamang ng ilang minuto ay napansin ng kanyang mga kaanak na wala na siya sa duyan at tanging kanyang mga tsinelas, wallet, at cellphone na lamang niya ang naiwan sa kanyang pwesto.

--Ads--

Dito ay naghinala sila na nahulog ito dahil sa kanyang kalasingan, at nagpasya sila na ireport ito sa mga opisyales ng brgy. at sa kapulisan na agad ding nagsagawa ng search and rescue operations kasama ang mga kaanak ng biktima.

Umabot ng 3 oras bago nahanap ang biktima dahil hindi rin ito naireport kaagad sakanila, palutang-lutang na ito sa ilog at wala ng buhay.

Rumesponde rin si Arturo De Vera na siyang City Health Officer ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), nagtungo siya sa pinangyarihan ng insidente at nagsagawa ng mga paraan upang marevive ang biktima ngunit idineklara na itong patay dahil sa pagkalunod.

Bukod dito ay wala ring nakitang anumang sagot o galos sa katawan ng biktima.

Dahil sa nangyari ay nanawagan ang kapulisan na maging alerto sa mga nangyayari lalo na sa mga nangyayaring insidente.