Kakaiba sa mga nakalipas na buwan ang mga palamuti at dekorasyon sa establisyemto sa Japan ngayong Disyembre.

Ayon kay Hannah Galvez – Bombo International News Correspondent in Japan bagamat 1 porsyento lamang ang mga kristiyano doon ay ramdam parin ang christmas season.

Aniya na ang mga parke sa Japan ay pinalamutian ng mga led lights, sa mga garden naman ay may nagbebenta ng mga halaman na hugis christmas tree gayundin ang pagdedecorate ng mga resto at hotels para maka-engayo ng mga customers.

--Ads--

Karaniwan namang iniuugnay kay Santa ang pasko roon kaya’t ang mga bata ay naniniwala dito dahil kada pasko ay nakakatanggap ang mga bata ng mga regalo at sinasabi ng kanilang mga magulang na galing ito kay santa kahit ang totoo ay mula ito sakanila.

Samantala, dahil marami ding filipino community doon ay may mga isinasagawa din silang christmas custome presentation at lantern presentation.

Kaya’t pagbabahagi nito sa lahat na ipakita ang essence ng pasko at iselebra ito ng nagkakaisa.