Dagupan City – Kasabay ng masayang pagdiriwang ng Pasko at kapistahan sa Dagupan City ngayong Disyembre ay ang hamon ng pag-aayos ng mga basura.
Ang dami ng tao at mga aktibidad ay nagdudulot ng pagkalat ng basura sa mga lansangan at paligid ng mga bilihan at baratilyo.
Upang matugunan ito, mariing nagpapaalala ang Waste Management Division ng Dagupan City sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura.
Ayon kay Bernard Cabison, pinuno ng nasabing tanggapan, ang maayos na pagmamanage ng basura ay nangangailangan ng disiplina at kooperasyon mula sa lahat.
Naniniwala si Cabison na kung magtutulungan ang lahat, malulutas ang problema sa basura.
Dagdag nito na nakahanda naman ang kanilang mga kasamahan sa opisina sa paglilinis lalo pa’t sana’y na sila dito taon-taon ngunit kailangan parin ng kaunting tulong ng publiko para hindi sila gaanong mahirapan lalo na sa segregation.
Inilarawan naman nito ang kanilang tungkulin bilang “backliners,” na nangangahulugang sila ang naglilinis pagkatapos ng mga events maging pagtutok bago ang events. (Oliver Dacumos)