Inumpisahan na ngayong araw ang Urdaneta City Fiesta 2024 kung saan ay gaganapin ito ng 9 na araw.

Sinimulan ito ng parada at Street Dancing Competition na pinangunahan ng alkalde ng bayan na si Mayor Julio “Rammy” Parayno III kasama ang Vice Mayor na si Jing Parayno, at dumalo rin si Senator Imelda Marcos bilang kanilang panauhing pandangal.

Ang pyesta sa lungsod ng Urdaneta ay aasahang magiging makulay at maayos dahil ito ay tinutukan ni Julio Onofre Parayano na siyang Fiesta Committee rito.

--Ads--

Ayon kay Mayor Rammy, 4 na taon nang nangunguna ang syudad ng Urdaneta pagdating sa ekonomiya sa lalawigan ng Pangasinan.

Napanatili nila ito dahil sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng mga business sectors na may malaking tulong sa pagpapa-unlad ng kanilang syudad.

Aniya na pinaganda at pinaghandaan nila ang kapistahan kung saan ay marami silang inihandang programa at aktibidad.

Aminado sila na may mga pagkukulang sila sa mga nakaraang kapistahan, kaya naman binigyang atensyon nila ang taong ito at nakuha na ang tamang timpla at proseso.

Patungkol naman sa seguridad, limitado sila sa kapulisan ngunit naitalaga na rin ang lahat maging ang mga POSO at ilang mga volunteers dahil hindi lang para sa mga residente ng Urdaneta City ang kanilang pagdiriwang kundi pati na rin para sa mga karatig bayan.

Nakahanda sila sa dami ng taong dadagsa at patunay dito ang 2 beses ng kanilang pagkamit ng KALASAG Award.

Sa pagdalo naman ni Sen. Imelda Marcos, itinuring niya na gateway to the north ang syudad ng Urdaneta.

Ibinahagi niya ang kanyang tuwa sa makailan ng balik niya sa syudad na kung saan ay nakita niya ang pagbabago dito.

Kapansin-pansin din aniya ang pakiki-isa ng mga taga-Urdaneta sa pagdiriwang ng kanilang kapistahan.

Binigyang diin din ng Senador ang patungkol sa Filipino Dream na kung tutuusin ay napakababaw o simple lamang.

Suportado siya sa ninanais ng karamihan na magkaroon ng maginhawa at komportableng pamumuhay.