Hindi masyadong iseniselebra ang pasko sa bansang South Korea kung saan ito ay parang normal na araw lamang para sakanila.
Ayon kay Jhomar Malabanan Bombo International News Correspondent in South Korea bagamat ay may mga makikitang christmas tree at may mga christmas lights din ay hindi kasing init kung paano ito i-celebrate dito sa Pilipinas.
Aniya na kahit paano ay ramdam naman ito subalit malaki ang kaibahan sa pagdiriwang ng paskong pinoy.
Mabuti na lamang at madaming mga filipino community doon kaya’t kahit paano ay may simbang gabi din gayundin ang noche buena.
Dahil marami ding mga Pinoy sa bawat kumpanya roon ay may isinasagawa din silang gift giving.
Hiling naman nito sa nalalapit na pasko na sana ay magkaroon ng kapayapaan ang puso at isip ng bawat isa.