Labis na ikinalungkot ng Alliance of Healthcare Workers ang ibinunyag ng Department of Health (DOH) na mayroong ilang mayor ang nagbulsa ng health emergency allowance ng mga healthcare worker na nagtrabaho noong pandemya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Trani Mendoza — President ng nasabing grupo na ang benepisyo na matagal ng hinihintay ng mga health workers ay marapat ng ibigay.
Gayundin, maimbestigahan at may managot sa nasabing pagbulsa ng health emergency allowance.
Aniya na dapat maifollow-up ang mga complaint ng mga ito upang mabigyan ng hustisya ang mga iregularidad na nangyari sa pagbulsa ng ilang mga politiko sa allowance na dapat nilang natanggap.
Bagama’t may mga health facilities na hindi pa nakapag-apply ng health emergency allowance ay extended naman ang application at sa ngayon ay kumpleto na ang kanilang mga kailangang dokumento.
Samantala, saad ng iba na tseke na lamang ang hinintay ngunit maging sa ngayon ay hindi parin marelease.
Giit ni Mendoza dapat ay madaliin ito upang bago magpasko ay maenjoy naman ng mga health workers ang matagal na nilang hinihintay na allowance.