Natanggap na ng bayan ng Alcala ang mga Automated Counting Machine (ACM) na gagamitin para sa nationwide demo sa disyembre 2.

Ayon kay Roberto Pagdanaganan — Election Officer III, COMELEC Alcala mas mabilis ang makabagong counting machine sa ngayon kung saan iba na ang battery nito, mas manipis na rin ang gagamiting balota, at pagkatapos bumoto ay may resibo at qr code pa ito.

Aniya na matapos nitong dumating sa kanilang tanggapan at sa kanilang pagpapractice ay naging maayos naman at walang naging problema.

--Ads--

Bukod dito ay maaring ding i-check sa nasabing machine kung sino ang ibonoto, tumatagal din ng 14 oras ang battery nito at mas mabilis na ngayon ang pag-scan.

Dagdag pa niya na mas madami ring balota ang mapagkakasya sa loob at nasa 1,000 libo ang maximum nito.

Samantala, nakatakda namang mag-umpisa muan sa kanilang munisipyo sa disyembre 2 ang nasabing demo pagkatapos ay isusunod naman ang 21 barangays sa kanilang bayan.

Inaasahan namang matatapos ito sa buwan ng pebrero sa susunod na taon.