Hindi umano ipinagdiriwang ng mga Koreano ang pagsapit ng pasko kung saan natutulog lamang ang mga mamamayan sa nasabing bansa.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Allen Maniclay, Bombo International Correpondent sa South Korea, sa kabila ng mga tourist attractions sa South Korea para sa kapaskuhan at sari-saring palamuti sa mga pamilihan, hindi umano isineselebra ng mga Koreans ang kapaskuhan at hindi rin nagbibigayan ng regalo dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.

Samantala, nagkaroon ng ilang mga antala sa pasok ng mga mag-aaral sa nasabing bansa dulot ng pagkapal ng snow sa mga kalsada at mga kabahayan, subalit aniya, bumalik na sa normal ang mga transaksiyon dahil sa pagbabago ng temperatura.

--Ads--

Mensahe naman nito sa mga kababayang Pilipino sa nasabing bansa na laging mag-ingat sa peligrong maaaring idulot ng snow storm.