Nahihirapan pa rin ang pamahalaan na ibalik sa dati o pabaaain ang utang ng bansa dahil sa sunod sunod na krisis.
Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), hindi agad-agad maisasagawa ang pagbawas ng utang ng pamahalaan sa lebel bago ang pandemya.
Sa kanilang 2023 annual report, sinabi ng BTr na ang mabilis na pagbawas sa utang ay imposibleng gawin dahil nangangailangan ito ng malaking pagbawas sa paggastos, na maaaring makaapekto sa mahahalagang pampublikong pamumuhunan na kinakailangan ng ekonomiya.
Sa kasalukuyang datos, ang debt-to-GDP ratio ng bansa—isang sukatan ng kakayahan ng pamahalaan na magbayad ng utang—ay nasa 61.3 porsyento sa pagtatapos ng ikatlong quarter ng 2023, malayo pa ito sa 39.6 porsyento, ang antas bago ang COVID-19 pandemic.