Mahilig ka ba sa iced coffee? At tulad ng pagbibiro ng iba, it is within your blood na ba? Ngunit, mga kabombo! Kayang kaya mo ba ang 11-foot-high na iced latte?
Nakapagtala ng World Record ang isang chef at social media star na si Nick DiGiovanni ng Massachusetts para sa titulong ‘largest iced latte’.
Nakipagtulungan si DiGiovanni sa isang kilalang donut corporation upang mapuno ang 11-foot-high cup ng ice, gatas, at espresso para sa record.
--Ads--
Kinumpirma naman ng Guinness World Records na may kabuoang 276-gallon ng iced latte ang record na nagawa nina DiGiovanni.
Matapos naman ito, hinati-hati ito sa mga maliliit na cups o baso at ibinigay sa higit 300 na mga empleyado ng naturang donut corporation.