Patuloy ang paghahanda ng Office of the Civil Defense Region 1 sa mga posibleng maging epekto ng lindol sa nasabing rehiyon.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, ang Public Information Officer ng OCD Region I, patuloy ang isinasagawa ng opisina upang maging handa ang rehiyon sa posibleng banta ng lindol.
Ayon sa monitoring ng opinina, may naranasang pagyanig nitong mga nakaraan, ngunit walang naitalang mga untoward incident sa mga apektadong lugar.
Aniya, hindi nadedetect ang lindol kung kailan ito mangyayari, kaya’t patuloy ang paghahanda at pagpapaplano ng nasabing opisina, katulong ang mga member agencies nito at mga LGU’s kung ano ang magiging askyon kung sakaling magkaroon ng malawakan at malakas na paglindol.
Itinataguyod rin ng nasabing opisina ang pagkakaroon ng sound engineering solutions na sumusunod sa national building code upang makita kung ligtas ba ang mga kabahayan, at palagian ding binabantayan ng opisina ang mga active fault lines sa nasabing lugar.