Hangad ni Karim Khan, chief prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang mabigyan ng arrest warrant ang military leader ng Myanmar na si Min Aung Hlaing upang panagutin ito sa mga krimen laban sa mga Rohingya Muslim.
Naniniwala si Khan na responsable si Min Aung Hlaing sa prosekusyon at deportation ng mga Rohingya sa Bangladesh.
Itinanggi naman ito ng gobyerno ng Myanmar at anila, isinagawa lamang nila ang kanilang kampanya noong 2017 laban sa mga militante ng Rohingya.
Gayunpaman, mukhang imposible para sa ICC ang magsampa ng kaso laban sa mga militar dahil hindi kabilang ang Myanmar sa mga signatory ng ICC.
Subalit dahil kabilang ang Bangladesh sa mga signatory, umaasa silang mapagtatagumpayan ito.
Noong 2017 nang sumiklab ang kaguluhan sa Rohingya matapos maglunsad ng pag-atake ang mga militante sa higit 30 poste ng mga kapulisan sa naturang bansa.
Sinunog din ng mga ito ang mg kabahayan at pinaslang ang mga sibilyan.
Sinabi naman ng Amnesty International na inabuso at ginahasa ng mga militar ng Myanmar ang mga kababaihan.
Hindi bababa sa 6,700 residente ang nasawi sa loob lamang ng isang buwan.