Hindi umano ramdam ng publiko ang pagbaba ng presyo ng lokal na bigas sa bansa, kung saan presyo ng imported na bigas lamang ang bumaba sa kabila ng mga hakbang ng gobyerno ukol sa nasabing isyu.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers, dapat umanong habulin ng mga namamahala ang mga suspected cartel at rice manipulators sa bansa.

Aniya, nagtataka ang grupo kung bakit hindi pa bumababa ang presyo ng nasabing bigas, kung saan maliit lamang ang itinapyas nito na 40 cents per kilo, kumpara sa 5 piso hanggang 7 peso per kilo na tapyas sa mga imported na bigas.

--Ads--

Hinihingi rin ng grupo na magkaroon ng makatotohanang askyon at kaso sa mga nasabing manipulators at hindi lamang dapat umano puro hearing ang isinasagawa.

Dagdag nito na ang nasabing problema ay matagal nang nangyayayri sa maraming nagdaang administrayon.

Natutuwa ang grupo sa ulat sa mga isinagawang pagdinig ukol sa presyo ng bigas ngunit nagtataka ito kung bakit hindi pa bumaba ang presyo ng local rice kahit na bumaba na ang taripa.