BOMBO DAGUPAN -Nananawagan si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa publiko na makibahagi ngayong araw sa tinatawag na Red Wednesday.
Ayon kay Villegas, na siya ring dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mahalagang ipakita ng mananampalataya ang pakikipagsimpatiya sa mga kapwa Katolika na patuloy na kinukutya ang kanilang paniniwala.
Hinimok ni Villegas na magsindi ng kulay pula na kandila o pailaw na kulay pula sa kani-kanilang mga bahay bilang pakikiisa sa programa.
Binigyang diin niya na ito ay a walang bahid na pamumulitika ang nasabing programa at tanging layunin nito ay makilala ang mga Kristiyano sa buong mundo na inaapi dahil sa kanilang pananampalataya.
Matatandaan na nagsimula ang programa noong 2016 na pinangunahan ng charity group na Aid to the Church in Need (ACN).
Isinusunod ang nasabing programa tuwing Miyerkules pagkatapos ng pagdiriwang ng Solemnity of Christ the King.