Dagupan City – Ibinahagi ng ilang indibidwal sa lungsod ng Dagupan ang epekto ng bangayan ng dalawang mataas na opisyal sa bansa, i

Ayon sa college student na si Nicole Perez, nakakabahala ang nangyayaring bangayan ng dalawang matataas na posisyon sa pamahalaan sa bansa.

Aniya, imbis na sila ang maging i-hemplo ng mga kabataan sa pagpapakita ng tamang pamumuno, mas nagiging magulo pa dahil sa kanilang personal na alitan at hindi nagkaka-isa.

--Ads--

Binigyang diin din nito ang kanilang naging plataporma noong panahon ng kandidatura ng Marcos-Duterte tandem na “Unity” dahil hindi na ito nakikita sa kaganapan ngayon.

Samantala, ayon naman kay tatay Darry Sanchez, hindi tama ang ipinapakita ng mag-amang Duterte gayong mistulang paninira lamang ito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Dagdag pa nito, maling-mali ang ginawang pahayag ng bise na ipapatapon sa West Philippine Sea ang labi ng ama ng pangulo.
Aniya, kawawa ang mga Filipino gayong walang pagkakaisa sa ating pamahalaan.