Nakaalerto ang Northern indian na lungsod ng Sambhal matapos masawi ang apat na katao at dose-dosena ang nasugatan sa marahas na sagupaan sa isang Centuries-old mosque nitong linggo.

Sumiklab ang mga sagupaan sa pagitan ng mga nagpoprotesta at pulisya sa court-monitored survey sa Shahi Jama Masjid (mosque), isang protektadong pederal na 16th Century monument.

Ang mga awtoridad sa estado ng Uttar Pradesh – kung saan matatagpuan ang Sambhal – ay nagrehistro ng apat na kaso na may kaugnayan sa karahasan at sinuspinde ang mga serbisyo sa internet.

--Ads--

Bukod dito ay isinara din ang mga paaralan sa lugar sa loob ng isang araw.

Ang survey ay iniutos ng isang lokal na hukuman noong nakaraang linggo, ilang oras matapos i-claim ng petisyon na ang mosque ay itinayo sa lugar ng isang nawasak na templo.