Nakatanggap ang nasa 170 magsasaka ng hybrid rice seeds sa bayan ng Tayug mula sa kanilanh Lokal na pamahalaan.
Pinangunahan ito ni Mayor Tyrone D. Agabas sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng Department of Agriculture (DA).
Sa nasabing programa, 187 bags ng SL-8H, 22 bags ng Hyvar S26, at 2 bags ng NK5017 na mga barayti ng binhi ang naipamahagi.
Ang hybrid rice ay isang makabagong teknolohiya sa pagsasaka na naglalayong mapataas ang ani ng palay.
Pinagsasama nito ang pinakamahuhusay na katangian ng dalawang magkaibang uri ng palay, na nagreresulta sa isang mas malakas, mabilis tumubo, at mas mataas ang ani na pananim.
Ayon kay Mayor Agabas, ang pamamahagi ng hybrid rice seeds ay isa lamang sa mga programa ng lokal na pamahalaan upang suportahan ang mga magsasaka at matiyak ang sapat at de-kalidad na pagkain para sa lahat.
Patuloy aniya ang kanilang pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga magsasaka upang mapaunlad ang kanilang ani at mapabuti ang kanilang kabuhayan.